ANG BUHAY AY DI PULOS DILIM
ang buhay ay di pulos dilim
pagkat may umagang parating
bagamat tayo'y naninindim
sa panahon ng COVID-19
pesteng sa tao'y lumalamon
si Kamataya'y nangangaon
magtulungan tayo sa hamon
puksain ang salot na iyon
salot na iyon ay lilipas
at haharap sa bagong bukas
kahit na marami pang bakas
iyang salot na umuutas
sinaklot na tayo ng lagim
diwa'y huminto sa rimarim
ang buhay ay di pulos dilim
may umaga ring anong lilim
- gregbituinjr.
A poet's autobiography is his poetry. Anything else is just a footnote. ~Yevgeny Yentushenko * Always be a poet, even in prose. ~Charles Baudelaire * Poetry should also contain steel and poets should know how to attack. ~Ho Chi Minh
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Ang plakard na patulâ
ANG PLAKARD NA PATULÂ patula ang plakard ng makatâ na sa rali bibitbiting sadyâ pagsingil sa korap at kuhilà narito't basahin ang talatà...
-
SARDINAS MAN ANG ULAM KO ulam ay dapat masarap kahit dama'y naghihirap maaabot ang pangarap kung talagang magsisikap pagsikapang mawala ...
-
PASKIL nadaanan kong muli ang paskil kaya naroong napapatigil baligtad ba'y ginawa ng sutll? basura'y lipana't di matigil paalal...
-
PATAY NA KUKO'Y GINUPIT itong patay kong kuko ay agad kong ginupit buka na kasi ito subalit di masakit ito'y tubuan kaya ng panibago...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento