Sabado, Marso 28, 2026

Ang LPG at ang Wealth Tax

ANG LPG AT ANG WEALTH TAX
‎presyo ng LPG na'y sisirit
‎kada tangke, one thousand five hundred
‎mga mamamayang nagbuBUWIS
‎ay talaga ngang mabuBUWISit
‎dagdag pahirap na sa pamilya
‎ang pagkain ba'y titipirin na
‎sa nangyayaring ito sa masa
‎ay di na sasapat ang ayuda
‎dapat buwisan ang bilyonaryo
‎at di ang mga dukha't obrero
‎panawagan iyan sa gobyerno
‎"Wealth Tax, ngayon na!" sigaw ng tao
‎- gregoriovbituinjr.
‎03.28.2026
‎* litrato mulâ sa pahayagang Pang-Masa, Marso 28, 2026
‎* kinathâ at binigkas ang tulâ habang dumadalo sa talakayan sa Wealth Tax

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Krisis sa klima at panawagang Wealth Tax

‎KRISIS SA KLIMA AT PANAWAGANG WEALTH TAX ‎ ‎kaytinding epekto ng klima at polusyon ‎may mga bagyo, bahâ, init ng panahon ‎nawawasak ang kal...