PASARING
may pasaring muli ang komikero
hinggil sa senaTONG na nakakulong
di raw magtatagal sa kalaboso
dahil sa kaytinding agimat niyon
aba'y nagbiro pa si Mambubulgar
sapul na sapul ang pinatamaan
masa'y batid agad ang ibinulgar
dahil headline naman sa pahayagan
ngunit agimat ba'y tatalab kayâ
sakaling siya'y makalaya agad?
paano ang hustisya sa binahâ?
dahil sa ghost flood control, anong bigat!
o agimat ay sa pelikula lang?
at di sa kurakot na puso'y halang?
- gregoriovbituinjr.
01.21.2026
* mula sa pahayagang Bulgar, Enero 21, 2026, p.3
A poet's autobiography is his poetry. Anything else is just a footnote. ~Yevgeny Yentushenko * Always be a poet, even in prose. ~Charles Baudelaire * Poetry should also contain steel and poets should know how to attack. ~Ho Chi Minh
Miyerkules, Enero 21, 2026
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Sa ika-16 na death monthsary ni misis
SA IKA-16 NA DEATH MONTHSARY NI MISIS Lagi kitang nasa alaala, O, aking sinta't tanging asawa! Itinutula ko'y pagmamahal. Tila ba ...
-
MAS LIGTAS DAW ANG TUBIG-GRIPO maniniwala ka ba sa sabi ng D.E.N.R. mas ligtas ang tubig-gripo kaysa tubig-mineral subalit ito'y aking n...
-
BIYAHE'T PAMASAHE MULA CUBAO HANGGANG TANGGAPAN NG SM-ZOTO Maikling sanaysay at tula ni Gregorio V. Bituin Jr. Mula sa bahay ng namayapa...
-
PAGTUNGO SA AIRPORT kay-agang gumising upang maglakbay na pauwi nag-ayos, naligo, nagbihis, sadyang nagmadali mabuting maagap upang pag-alal...

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento