Linggo, Enero 4, 2026

Balakyot - balatkayô ba?

BALAKYOT - BALATKAYÔ BA?

kayganda ng kanyang itinanong
kung ang balakyot ba'y balatkayô?
ah, marahil, dahil ang balakyot
ay mapagbalatkayo at lilò

sinagot ko siyang ang balakyot
ay balawis, sukab, lilò, taksil
at tumugon siyang gagamitin
na rin niya ang salitang iyon

pag mapagbalatkayong kaibigan
matagal man bago mo malaman
madarama mo ang kataksilan
siya't lilo't balakyot din naman

mapagkunwari't balakyot pala
pinagsamaha'y sayang talaga
kayhirap pag ganyan ang kasama
na harapang pagtataksilan ka

- gregoriovbituinjr.
01.04.2026

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Dalawang plato pa rin tayo sa kaarawan mo

DALAWANG PLATO PA RIN TAYO SA KAARAWAN MO dalawang plato pa rin ang inihanda ko sa kaarawan mo, mahal, tig-isa tayo bagamat alam kong ako la...