Miyerkules, Disyembre 3, 2025

Paglahok sa rali

PAGLAHOK SA RALI

bakit di ka pupunta sa rali?
dahil lang wala kang pamasahe?
kung ako, sisimulang maglakad
nang makarating at mailadlad
ang plakard na laman yaong isyu
ng bayan, at makalahok ako
sa rali, wala mang pamasahe
gagawan ng paraan, ganire
o ganyang sanhi, walang alibay
lalakarin ang mahabang lakbay
mahalaga ang prinsipyong tangan
pamasahe'y gawan ng paraan
mahalaga'y lumahok sa rali
kahit kapos pa sa pamasahe
ikulong na 'yang mga kurakot!
lahat ng sangkot, dapat managot!

- gregoriovbituinjr.
12.03.2025

* kasama sa litrato si David D'Angelo, dalawang beses na tumakbong Senador
* salamat sa kumuha ng litrato, kuha noong 11.30.2025 sa Luneta

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Buti't may tibuyô

BUTI'T MAY TIBUYÔ kulang ang pamasahe kahapon mula Cubao patungong Malabon upang daluhan ang isang pulong buti't nagawang paraan iyo...