Linggo, Nobyembre 16, 2025

Talong at SiBaKa

TALONG AT SIBAKA

talong, SIbuyas, BAwang, KAmatis
ang aking pananghaliang wagas
sa trabaho ma'y punò ng pawis
malasa, ito ang pampalakas

tara, tayo nang mananghalian
kaunti man, pagsaluhan natin
gaano man kapayak ang ulam
kita'y maghating kapatid pa rin

ang SIBAKA ay di mawawalâ
minsan, may karne; madalas gulay
paminsan-minsan naman, may isdâ
dahil sa protina nitong taglay

tulong talaga ang talong dito
mapapalatak, nakabubusog
O, mga kasama ko't katoto
pagsaluhan na ang munting handog

- gregoriovbituinjr.
11.16.2025

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Mga Buwayang Walang Kabusugan

MGA BUWAYANG WALANG KABUSUGAN kung si Gat Amado V. Hernandez ay may nobelang  "Luha ng Buwaya" balak kong pamagat ng nobela: ...