Linggo, Nobyembre 9, 2025

Napanalunang aklat

NAPANALUNANG AKLAT

nakinig ako sa zoom nilang talakayan
hinggil sa mga aklat, mula pamantasang
Ateneo, Kagawaran ng Filipino
at sa pa-raffle nila, nanalo ng libro

ang aklat ay Poems ni Martin Villanueva
bagamat ngayon ko lang siya nakilala
di sa personal, kundi sa aklat ng tulâ
nasa Ingles, wala pang walumpung pahinâ

kanina, dumating ang kartero sa bahay
at natanggap ko na ang premyo nilang bigay
dagdag na koleksyon sa munti kong library
nakapagbabasa pa kahit super-busy

sa Ateneo, taos kong pasasalamat
sa librong itong ngayon ay binubulatlat
dedikasyong: "Hope you find something worthwhile in THIS"
ng awtor sa aklat, sa pagod ko'y nag-alis

- gregoriovbituinjr.
11.09.2025

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Bato-bato sa langit

BATO-BATO SA LANGIT Bato-bato sa langit Hustisya'y igigiit Pag ginawâ ay lupit Sa dukha't maliliit Kayraming pinilipit Pagpaslang an...