Miyerkules, Nobyembre 26, 2025

Bawat araw, may tulâ

BAWAT ARAW, MAY TULÂ

kahit nasa rali sa lansangan
o kaya'y pagbangon sa higaan
pagkakain ng pananghalian
o kaya'y matapos ang hapunan
titiyaking may tulâ na naman

araw at gabi, ako'y kakathâ
madaling araw, babangon sadyâ
upang kathain ang nasa diwà
nasa kaloobang lumuluhà
samutsaring paksâ, lumilikhâ

bawat araw ay may tulang handog
sa ganyan, pagkatao'y nahubog
sa tula, sarili'y binubugbog
paksa'y bayan, kalikasan, irog
misyon hanggang araw ko'y lumubog

- gregoriovbituinjr.
11.26.2025

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Pag Biyernes, ikalima ng hapon sa Edsa Shrine

PAG BIYERNES, IKALIMA NG HAPON SA EDSA SHRINE ilang Biyernes ng gabi na bang ako'y tumulâ  sa Edsa Shrine na ang kasama'y ilang kaba...