Huwebes, Oktubre 2, 2025

Salamat sa mga kasama sa AMKP

SALAMAT SA MGA KASAMA SA AMKP

ako'y taospusong nagpapasalamat
sa Alyansa ng Maralita para sa
Katiyakan sa Paninirahan, pagkat
lider-maralita na'y nagkakaisa

binuo ng K.P.M.L. at Kampilan
dahil sa banta ng kagagawang batas
bantang dalita'y tanggalan ng tahanan
pag sa pabahay ay di nakabayad

kaytinding banta sa nasa relokasyon
na pawang may karapatan sa pabahay
nililigalig ng bantang demolisyon,
anang batas, sa loob ng sampung araw

ang mga maralita'y sadyang tagilid
dito sa Republic Act one-two-two-one-six
ang ibasura ito'y dapat mabatid
ng dukhang sa relokasyon nakasiksik

- gregoriovbituinjr.
10.02.2025

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Tambúkaw at Tambulì

TAMBÚKAW AT TAMBULÌ nais kong maging pamagat ng aklat ng aking akdâ ang salitang nabulatlat na kayganda sa makatâ ang  "Tambúkaw at Tam...