Huwebes, Hulyo 24, 2025

Relief goods

RELIEF GOODS

mahilig pa rin talagang mang-asar
si Kimpoy ng Barangay Mambubulgar
kadalasan, komiks ay pagbibiro
ngunit may pagsusuri ring kahalo:

nagtanong ang anak sa kanyang ina
relief goods na mula taga-gobyerno
ay ubos na raw ba? sagot sa kanya
bigay ba nila'y tatagal? tingin mo?

saan aabot ang sangkilong bigas
sa atin lang, kulang na sa maghapon
at ang dalawang lata ng sardinas
isa'y ginisa, isa'y agad lamon

mahalaga'y mayroon, kaysa wala
at isang araw nati'y nakaraos
di tayo nganga, bagamat tulala
saan kukunin ang sunod na gastos

ang mga nagre-relief ay may plano
ilan ang bibigyan, pagkakasyahin
at kung nabigyan ka, salamat dito
kahit papaano'y may lalamunin

subalit kung tiwali ang nagbigay
nitong sangkilong bigas at sardinas
baka wala tayong kamalay-malay
yaong para sa atin na'y may bawas

- gregoriovbituinjr.
07.24.2025

* litrato mula sa pahayagang Bulgar, Hulyo 24, 2025, pahina 3

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Di lang ulan ang sanhi ng baha

DI LANG ULAN ANG SANHI NG BAHA natanto ko ang katotohanang di lang pala sa dami ng ulan kaya nagbabaha sa lansangan kundi barado na ang daan...