Huwebes, Hunyo 26, 2025

Apoy

APOY

nagluluto ba ng inapuy
o niluluto ay sinangrag
napatitig ako sa apoy
nakatulala, di tuminag

nakakatula ng nalirip
na araw-gabing ginagawa
anumang makita't maisip
na isyu't paksa'y kumakatha

karaniwan man ang usapin
o pambihira man ang isyu
agad na iyong ninilayin
nang malikha'y tula o kwento

sinangrag pala ang ininit
na inagahan ko't ininom
sa sarap ako'y napapikit
nag-almusal na rin at gutom

- gregoriovbituinjr.
06.26.2025

* mapapanood ang maikling bidyo sa kawing na: https://www.facebook.com/share/v/19F9gSyAxe/ 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Tiwakal

TIWAKAL anang ulat:  "Tinakot ng online lending act" at  "Lalaki, napahiya, nagpakamatay" dahil sa pananakot ay nawalang...