Sabado, Marso 1, 2025

Ang pinutol na puno sa EDSA

ANG PINUTOL NA PUNO SA EDSA

naraanan ko'y isang putol na puno sa EDSA
na napapalibutan ng semento sa bangketa
ano kaya ang kwento sa likod ng kwento nito?
ang puno kayang pinutol dito'y ginawang troso?

kung nilipat naman ang puno ay saan nalipat?
subalit hindi, pagkat naiwan doon ang ugat!
balewala na lang siya sa mga nagdaraan
o baka makatisod, sanhi ng kapahamakan...

marahil, mayroong kasaysayan doong natago
na hindi ko alam kung atin pa bang mahahango
naging saksi ba sa himagsikan ang punong iyon?
ng mga Katipunero o panahon ng Hapon?

sakaling punong iyon ay makapagsasalita
ay kayrami nang kwento ang ating maitatala
bakas na lamang niya yaong naiwan sa atin
ugat na pinanatili't anong pamanang angkin?

- gregoriovbituinjr.
03.01.2025

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Ngayong Black Friday Protest

NGAYONG BLACK FRIDAY PROTEST salamat sa lahat ng mga nakiisa sa pagkilos kahit ako lamang mag-isa may nakausap nga ako't ako'y ginis...