TAMPIPÌ
sa krosword ko lang muling nakita
ang salitang kaytagal nawalâ
sa aking isip ngunit kayganda
upang maisama sa pagtulâ
labimpito pahalang: bagahe
at naging sagot ko ay: TAMPIPÌ
kaylalim na Tagalog kung tingni
na kaysarap bigkasin ng labì
sa Batangas ko unang narinig
sa lalawigan ng aking tatay
tampipì ang lagayan ng damit
maleta o bagahe ngang tunay
nababalikan ang nakaraan
sa nawalang salitang ganito
ay, salamat sa palaisipan
muling napapaalala ito
- gregoriovbituinjr.
01.18.2024
* krosword mula pahayagang Pilipino Star Ngayon, Enero 16, 2024, p.10
A poet's autobiography is his poetry. Anything else is just a footnote. ~Yevgeny Yentushenko * Always be a poet, even in prose. ~Charles Baudelaire * Poetry should also contain steel and poets should know how to attack. ~Ho Chi Minh
Sabado, Enero 18, 2025
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Natanggal na ang NGT
NATANGGAL NA ANG NGT kaylaking ginhawa ang matanggal ang tubong nakakabit sa ilong pagkat siya na'y nakalulunok ng pagkaing sa kanya...

-
SARDINAS MAN ANG ULAM KO ulam ay dapat masarap kahit dama'y naghihirap maaabot ang pangarap kung talagang magsisikap pagsikapang mawala ...
-
PASKIL nadaanan kong muli ang paskil kaya naroong napapatigil baligtad ba'y ginawa ng sutll? basura'y lipana't di matigil paalal...
-
napakaganda ng kanyang mukhang di masilayan sabik nang makita ang diwata ng kagubatan nawa'y makaharap ang pangarap kong paraluman tu...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento