Biyernes, Enero 24, 2025

Pagsulat ng nadalumat

PAGSULAT NG NADALUMAT

laging abala ang aking diwa
nakaraan ay sinasariwa
kasalukuyan ay pulutgata
hinaharap ay bagong simula

paano babasahin ang isip
at isalansan ang nalilirip
may prinsipyong laging halukipkip
may dakilang walang kahulilip

ang ideya'y lalambi-lambitin
kung di sa bangin ay nasa hangin
minsan, nais ko itong liparin
at mga bituin pa'y sungkitin

abalang muli sa pagsusulat
ng naninilay, ng nadalumat
minsan, mga libro'y binubuklat
baka asam na diwa'y malambat

- gregoriovbituinjr.
01.24.2025

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Aga, iga, ugâ

AGA, IGA, UGÂ ilang lindol na ba ang nagdaan? ilang lungsod na ba ang binahâ? ilang senaTONG na ang kawatan? ilang flood control ang di naga...