Linggo, Nobyembre 3, 2024

Makakalikasang supot ng botika

MAKAKALIKASANG SUPOT NG BOTIKA

bumili ako ng bitamina
doon sa Mercury Drug kanina
supot na papel nila'y kayganda
at may tatak pang-ekolohiya

magandang paalala sa atin
upang mga itatapon natin
plastik man iyon o papel man din
ay sa maayos natin dadalhin

Reduce, Reuse, Recycle ang tatak
paalala itong munti't payak
na dapat namang maging palasak
nang basura'y di magtambak-tambak

salamat at may abisong ganyan
na talagang pangkapaligiran
na sana'y sundin ng mamamayan
para rin sa ating kabutihan

- gregoriovbituinjr.
11.03.2024

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Pangarap na pagkathà tulad ng Lord of the Rings

PANGARAP NA PAGKATHÂ TULAD NG LORD OF THE RINGS Maikling sanaysay at tulâ ni Gregorio V. Bituin Jr. “I wish it need not have happened in my ...