Lunes, Nobyembre 11, 2024

Bone marrow biopsy

BONE MARROW BIOPSY

isinagawa kagabi
ng mga doktor
yaong bone marrow biopsy
sa aking misis
bone marrow pala'y bulalo
ng ating buto
pangatlong testing na iyon
sa isyung blood clot
o pamumuo ng dugo
na nagbara na
sa kanyang mga bituka
di makapasok
ang nutrients at oxygen
baka mabulok
ang ilang mga bahagi
niyong bituka
pag di agad naagapan
nag-surgery na
hanggang ngayon di pa batid
ng mga doktor
ang sanhi bakit nag-blood clot
sa may bituka
negative ang unang testing
at pangalawa
ikatlo pag nag-positive
matutukioy na
ang sanhi ng pagba-blood clot
nang malapatan
na ng kaukulang lunas
upang si misis
ay gumaling na sa sakit
na dinaranas

- gregoriovbituinjr.
11.11.2024

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

40 days at 40 nights na sa ward

40 DAYS AT 40 NIGHTS NA SA WARD umabot na kami ng apatnapung araw at apatnapung gabi dito sa ospital kaytagal namalagi, pagkain ay lugaw paa...