Linggo, Setyembre 29, 2024

Diwa't salita

DIWA'T SALITA

"Thoughts are the gun. Words are the bullets." ~ tatak mula sa isang tshirt

sa pagkatha ng kwento o tula
dapat malay sa diwa't salita
ugnayan ng dalawang adhika'y
paano ginagamit ng tama

mula sa kasabihang masiste
kaisipan ang tangan mong riple
salita naman ang punglo dine
ang diwa't salita ang mensahe

sa pag-akda ng tula o kwento
nobela, o sanaysay man ito
diwa't salita'y gamiting wasto
nang may kapayapaan sa mundo

ang bumuo ng sibilisasyon
ay diwa't salita ng kahapon
na nagagamit pa hanggang ngayon
at mga sunod pang henerasyon

- gregoriovbituinjr.
09.29.2024

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Inuming malunggay

INUMING MALUNGGAY sampung pisong malunggay ang binili kong tunay sa palengkeng malapit barya man ay maliit nilagay ko sa baso at binantuan i...