HINDI PA LAOS SI IDOL
isang MMA fighter si Eduard Folayang
na ilang beses nang nagwagi sa labanan
nais niyang bumalik at lumaban sa ONE
Championship at muli ay makipagbangasan
kung si Pacquiao sa boksing, siya'y sa MMA
kung si Efren sa bilyar, siya'y sa MMA
kung si Alex sa tennis, siya'y sa MMA
siya'y pang-Mixed Martial Arts, idol sa MMA
maraming taon na rin ang iyong ginugol
upang kampyonato'y makuha mo't mahabol
maging matatag ka lagi sa laban, idol
patalasin ang bangis upang di pumurol
muli, sa laban mo, kami'y nakasubaybay
ipakitang di ka pa laos, pagpupugay!
- gregoriovbituinjr.
03.29.2024
* ulat mula sa pahayagang Remate, Marso 21, 2024, pahina 12
A poet's autobiography is his poetry. Anything else is just a footnote. ~Yevgeny Yentushenko * Always be a poet, even in prose. ~Charles Baudelaire * Poetry should also contain steel and poets should know how to attack. ~Ho Chi Minh
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
40 days at 40 nights na sa ward
40 DAYS AT 40 NIGHTS NA SA WARD umabot na kami ng apatnapung araw at apatnapung gabi dito sa ospital kaytagal namalagi, pagkain ay lugaw paa...
-
CHESS MASTER NICOLAS, 11, PIPIGA NG UTAK muling makikipagpigaan ng utak si Nika Juris Nicolas na sasabak sa torneyong World Cadet Rapid a...
-
PAYAK NA HAPUNAN bangus na inadobo sa toyo at suka at ginayat na mga mumunting gulayin kamatis, sibuyas, at dahon ng sibuyas na kaysarap ul...
-
napakaganda ng kanyang mukhang di masilayan sabik nang makita ang diwata ng kagubatan nawa'y makaharap ang pangarap kong paraluman tu...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento