Biyernes, Mayo 26, 2023

Paggising sa umaga

PAGGISING SA UMAGA

paggising sa umaga'y nag-inat
inimis ang inunan kong aklat
kagabi'y umulan at mahamog
buti't tuhod ay di nangangatog
mumog, hilamos, handa'y almusal
barakong mainit at pandesal
karaniwang tagpo pagkagising
mag-eehersisyo, magdi-dyaging
ihahanda ang buong sarili
para sa gawain hanggang gabi
mangangalap ng mga balita
at isyu ng dukha't manggagawa
magsusulat ng mga sanaysay
sinong bibigyan ng pagpupugay
mga kuting ay kukumustahin
pakakainin, paiinumin
at maglalakad muli sa lubak
nanamnamin ang paksa sa utak
na isusulat agad sa papel
titipain naman sa kompyuter

- gregoriovbituinjr.
05.26.2023

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Unang araw ng Nobyembre, 2025

UNANG ARAW NG NOBYEMBRE, 2025 ngayon ang Unang Araw ng Nobyembre inyo bang ramdam kung may nangyayari? wala pang nakukulong na salbahe kurap...