Miyerkules, Disyembre 21, 2022

Pluma

PLUMA

matatag yaring pluma
pag kasama ang mutyâ
dama yaring pag-asa
kaytindi man ng sigwâ

salita'y nahahabì
sadyang kawili-wili
siya ang kalahatì
niring buhay na iwi

minsang nakatalungkô
nasulat ay siphayò
aking siyang sinundô
tanging dala'y pagsuyò

- gregoriovbituinjr.
12.21.2022

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Pangarap na pagkathà tulad ng Lord of the Rings

PANGARAP NA PAGKATHÂ TULAD NG LORD OF THE RINGS Maikling sanaysay at tulâ ni Gregorio V. Bituin Jr. “I wish it need not have happened in my ...