Martes, Setyembre 13, 2022

Umaga umuga, umiga ang sapa

UMAGA UMUGA, UMIGA ANG SAPA

UMAGA nang lindol naramdaman
tila ba iyon na'y katapusan
UMUGA ang buong kalupaan
hanap agad ay makakanlungan
UMIGA ang sapa't lalamunan
ang mga hayop ay atungalan

gunita sa isang lalawigan
na gagawin ay di ko malaman
lalo na't tila pinagsakluban
na noon ng lupa't kalangitan
ah, mag-ingat tayo, kababayan
ang ganito'y ating paghandaan

- gregoriovbituinjr.
09.13.2022

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Fu Dalu

FU DALU kung sakaling dalawin ni  Fu Dalu , ang tagahabi ng mga pangarap, ay makapagtitirintas ng kwento at tulang nasalubong sa hinagap din...