Linggo, Hunyo 19, 2022

Aklat

AKLAT

natsambahan ko lang itinitinda sa bangketa
ang isang pambihirang aklat sa literatura
aba'y bente pesos ko lang nabili, murang-mura
kayraming kwento, kayraming tula, kaaya-aya

minsan talaga, kahit di ka sa bookstore maghanap
ay may magaganda ka ring librong mahahagilap
nabili sa isang komunidad ng mahihirap
dalawang daang pahina, diwa'y kikisap-kisap

sa munti kong aklatan, ito na'y collector's item
sa mga libreng oras ay tiyak kong babasahin
lalo sa panahon ng pagninilay o panindim
na sa guniguni'y tulay sa liwanag at dilim

may kwento, makukulay na larawan, mga tula
binili bilang suporta rin sa mga makata
tingni ang pabalat, aklat ay may gawad pang sadya
ibig sabihin, kinikilala ito ng madla

tanging masasabi'y taospusong pasasalamat
sapagkat natsambahan itong pambihirang aklat
na binigyang gawad pa ay Unyon ng Manunulat
sa Pilipinas o UMPIL, na samahang mabigat

- gregoriovbituinjr.
06.19.2022

* litrato ng pabalat ng HEIGHTS, ang opisyal na pampanitikang publikasyon ng Ateneo de Manila University, Tomo LVII, Blg. 1, taon 2010

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

40 days at 40 nights na sa ward

40 DAYS AT 40 NIGHTS NA SA WARD umabot na kami ng apatnapung araw at apatnapung gabi dito sa ospital kaytagal namalagi, pagkain ay lugaw paa...