Biyernes, Abril 1, 2022

Makathangisip

MAKATHANGISIP

binili ko ang aklat
di dahil sa pamagat
kundi sa nakasulat
ngalan ng manunulat

Joey Makathangisip
ako ba'y nanaginip
apelyidong kalakip
musa'y kanyang nahagip

kaygandang apelyido
ito kaya'y totoo
agad nang naengganyo
binili na ang libro

nagsusulat sa wattpad
may sarili nang aklat
siya'y walang katulad
sa araw ay sisikat

librong kanyang nobela
may hugot, luha't dusa
dama sa pagbabasa
ay kahali-halina

- gregoriovbituinjr.
04.01.2022

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Katáw

KATÁW sa mga kwento'y mayroong  katáw na sa mitolohiya'y nahalaw na kahulugan pala'y sirena subalit di wangwang sa kalsada babae...