Miyerkules, Pebrero 16, 2022

Ipanalo ang atin

IPANALO ANG ATIN

ipanalo ang atin
na lider na magaling
plataporma n'ya'y dinggin
namnamin at isipin

pinanday ng panahon
ang lider nating iyon
na tatanggal paglaon
sa kontraktwalisasyon

pakinggang magsalita
ang lider-manggagawa
na ang inaadhika
kabutihan ng madla

dala n'yang pagbabago'y
pangmasa, pang-obrero
na hangaring totoo'y
lipunang makatao

Ka Leody de Guzman
para sa panguluhan
ipanalo't ilaban
para sa sambayanan

- gregoriovbituinjr.
02.16.2022

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Mag-ingat laban sa Nipah virus

MAG-INGAT LABAN SA NIPAH VIRUS mag-ingat po tayo laban sa  Nipah virus na may outbreak umano sa  West Bengal, India natala raw noon ang labi...