magreretiro lang ako sa aking kamatayan
pagkat kikilos pa abutin man ng katandaan
ipaglalaban pa rin ang pantaong karapatan
at makamit ng bayan ang hustisyang panlipunan
tanda ko pa ngayon ang unang linya ng Kartilya
ng Katipunan: "Ang buhay na hindi ginugol sa
malaki't banal na kadahilanan ay kapara
ng damong makamandag," isang linyang anong ganda
kaya ang pagtunganga lang sa problema ng bayan
at hayaan lang manalasa ang mga gahaman
ito'y paglabag na sa Kartilya ng Katipunan
kaya ako'y kaisa ng mamamayan sa laban
hustisyang panlipunan, sama-sama sa progreso
habang inilalaban ang karapatang pantao
hanggang sa huling hininga'y yakap ko ang prinsipyo
hanggang bulok na sistema'y tuluyan nang mabago
- gregbituinjr.
A poet's autobiography is his poetry. Anything else is just a footnote. ~Yevgeny Yentushenko * Always be a poet, even in prose. ~Charles Baudelaire * Poetry should also contain steel and poets should know how to attack. ~Ho Chi Minh
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Pagsakit ng kanang balikat
kahapon, sumakit ang kanyang kanang balikat na di na niya maigalaw dahil sa istrok na tila na-dislocate, o kaya'y napilayan payo ng dokt...
-
SARDINAS MAN ANG ULAM KO ulam ay dapat masarap kahit dama'y naghihirap maaabot ang pangarap kung talagang magsisikap pagsikapang mawala ...
-
PASKIL nadaanan kong muli ang paskil kaya naroong napapatigil baligtad ba'y ginawa ng sutll? basura'y lipana't di matigil paalal...
-
napakaganda ng kanyang mukhang di masilayan sabik nang makita ang diwata ng kagubatan nawa'y makaharap ang pangarap kong paraluman tu...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento