balak kong hawanin ang munting gubat na madawag
upang pagtayuan ng dampa't pahingahang papag
magtatanim ng gulay doon, kamatis, tabayag,
munggo, papaya, kalabasa't lalagyan ng balag
sayang naman kung walang mag-aasikaso niyon
habang nasa bundok, nais kong mamalagi roon
maganda pang pahingahang di basta matutunton
baka balang araw, magiging kuta ko rin iyon
nais kong magsulat sa munting pahingahang gubat
mga dyaryo't magasin ay doon ko mabubuklat
doon din babasahin ang ilang nabiling aklat
at doon din papaghilumin ang bawat kong sugat
"sa madilim, gubat na mapanglaw," ani Balagtas
tila ba kasingpanglaw ko ang parating na bukas
nakakaburyong ang kwarantina, di pa rin ligtas
mabuti pa yatang sa gubat na iyon mautas
- gregbituinjr.
A poet's autobiography is his poetry. Anything else is just a footnote. ~Yevgeny Yentushenko * Always be a poet, even in prose. ~Charles Baudelaire * Poetry should also contain steel and poets should know how to attack. ~Ho Chi Minh
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
-
SARDINAS MAN ANG ULAM KO ulam ay dapat masarap kahit dama'y naghihirap maaabot ang pangarap kung talagang magsisikap pagsikapang mawala ...
-
PASKIL nadaanan kong muli ang paskil kaya naroong napapatigil baligtad ba'y ginawa ng sutll? basura'y lipana't di matigil paalal...
-
PATAY NA KUKO'Y GINUPIT itong patay kong kuko ay agad kong ginupit buka na kasi ito subalit di masakit ito'y tubuan kaya ng panibago...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento