aking tinipon ang pinagkayasan ng kawayan
baka magamit pa't di tinapon sa basurahan
kawayang kinayas upang haligi ng kulungan
ng manok at mga anak niyang aalagaan
ang pinagkayasan ay maaaring pagsilabin
sa gabing parang katol upang lamok ay patayin
o magsilayo sa amin, mahirap nang kagatin
kami't magkadengge'y tiyak magastos pang gamutin
dapat sa umaga'y walisin ang kuta ng lamok
habang nasa isip, maraming bata ang nalugmok
sa dengge't marami rin ang nangamatay sa turok
malaman lang ang pangyayaring ito'y di malunok
kaya mumunting pinagkayasan ay tinipon ko
at magamit sa gabing lamok ang kahalubilo
nagbabakasakaling sila'y mawalang totoo
nang di magkasakit ang aking pamilyang narito
- gregbituinjr.
A poet's autobiography is his poetry. Anything else is just a footnote. ~Yevgeny Yentushenko * Always be a poet, even in prose. ~Charles Baudelaire * Poetry should also contain steel and poets should know how to attack. ~Ho Chi Minh
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Nilay
NILAY nakikibaka pa rin kahit ako'y gabihin kahit dito'y ginawin kahit walang makain tibak kaming Spartan ay patuloy sa laban nais n...
-
CHESS MASTER NICOLAS, 11, PIPIGA NG UTAK muling makikipagpigaan ng utak si Nika Juris Nicolas na sasabak sa torneyong World Cadet Rapid a...
-
PAYAK NA HAPUNAN bangus na inadobo sa toyo at suka at ginayat na mga mumunting gulayin kamatis, sibuyas, at dahon ng sibuyas na kaysarap ul...
-
napakaganda ng kanyang mukhang di masilayan sabik nang makita ang diwata ng kagubatan nawa'y makaharap ang pangarap kong paraluman tu...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento