di dapat magtila malamig na bangkay ang tula
dapat buhay na buhay ito sa babasang madla
aralin ang tono, imahe, pagsalita't wika
may talinghaga ba sa babasang makakagitla
o tahimik lang nanamnamin ang bawat kataga
ang tula'y di dapat magtila malamig na bangkay
na pag binabasa'y damang walang kabuhay-buhay
sa presentasyon ng tula'y dapat napagninilay
tulad ng sigaw mo pag biglang umuga ang tulay
pagbigkas pa lang o pagbabasa'y bigay na bigay
kaya madalas may inspirasyon din sa pagtula
ngunit mas mahalaga'y perspirasyon sa pagkatha
pag-isipan bawat saknong, taludtod at salita
at huwag basta-basta bira ng birang tulala
pagkat nililikha mo'y panghabambuhay na akda
- gregbituinjr.
A poet's autobiography is his poetry. Anything else is just a footnote. ~Yevgeny Yentushenko * Always be a poet, even in prose. ~Charles Baudelaire * Poetry should also contain steel and poets should know how to attack. ~Ho Chi Minh
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Maligayang ika-79 na kaarawan po, Inay
MALIGAYANG IKA-79 NA KAARAWAN PO, INAY pinaaabot ko'y taospusong pagbati sa ikapitumpu't siyam na kaarawan ng aking inang tunay na ...

-
SARDINAS MAN ANG ULAM KO ulam ay dapat masarap kahit dama'y naghihirap maaabot ang pangarap kung talagang magsisikap pagsikapang mawala ...
-
PASKIL nadaanan kong muli ang paskil kaya naroong napapatigil baligtad ba'y ginawa ng sutll? basura'y lipana't di matigil paalal...
-
SINA ALYSSA VALDEZ AT ALEX EALA sina Alyssa Valdez at Alex Eala dalawang batikan, atletang Pilipina tennis si Alex at volleyball si Al...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento