Linggo, Pebrero 1, 2026

Gawain din ang pagtungangà

GAWAIN DIN ANG PAGTUNGANGÀ

madalas tumungangà sa kawalan
nakatingin sa walang tinitingnan
o nakatitig sa di matitigan
habang naglalakbay ng malayuan

ganyan ang gawain ng manunulat
sa kisame't langit nakamulagat
kung saan-saan tinta'y kinakalat
upang magawa ang asam na aklat

naglalakad ng kilo-kilometro
nang wastong salita'y nasok sa ulo
makita ang wala sa diksyunaryo
makasalamuhà ang mga tao

nang tamang pangungusap ay makathâ
malikha'y magandang larawang diwà
nang maisulat ang akmang talatà
nang matapos ang isang kabanatà

- gregoriovbituinjr.
02.01.2026    

Gawain din ang pagtungangà

GAWAIN DIN ANG PAGTUNGANGÀ madalas tumungangà sa kawalan nakatingin sa walang tinitingnan o nakatitig sa di matitigan habang naglalakbay ng ...